Not Getting Off the Soapbox

addicted to cute.needs the morning coffee.hates high heels,but will wear them anyway.flipflops,however,are essential.amazed by good photography.needs regular stimulation (of interest -- naughty, naughty), otherwise will get bored.


navigate

[ home ]   [ profile ]   [ gallery ]
  [ favorites ]   [ archives ]
  [ pages ]   [ links ]   [ friends ]
  [ friends of ]

message board

your name:

url:

your message:

content pages

communities

bookmarked

credits

Layout by Up4grabs
Header from Coffeecat
Images hosted by Photobucket
Blog powered by Tabulas

Content © coffeecat

Ads by Project Wonderful! Your ad here, right now: $0

August 1st, 2009

Not-so-photographic memory


    Grabeh, ang hirap pala ng di maka-post kung kelan mo feel.  Dahil pag may time ka na, nakakalimutan mo na mga dapat mong sabihin, katulad ng....


Nung Lunes, bumati ako ng "Happy Birthday" sa isang officemate ko -- yun pala di sya yung may birthday. Nampucha, di ko na kasi kilala yung mga bago.  Napagpapalit-palit ko yung mga pangalan at mukha nila. Pftt.  Nakakahiya!  Nabasa ko lang kasi sa bulletin board yung announcement, eh di ko pala kilala kung sino yung "Ibarra" na yun na nag-birthday nung linggo. Haynakow.


Posted by coffeecat at 11:28 AM | 10 Nagkape

July 27th, 2009

O, hindeee!!!


   Hmm... susundan ko pa sana yung post ko last Tuesday, kaso na-udlot? Hahaha!


Di ko pa nakita ulit si pareng Juddah -- haytek kasi yung elevator eh, di ka pwedeng bumaba sa hindi mo floor.. so di ko rin pala sya masi-stakeout. Hahaha!

Owel! 

Nagbisi-busyhan naman ako sa sosyalan nung week, kaya pagdating sabado-linggo... Dibidi galore ang lola nyo.  Purita na kasi dahil kung di ako magtitipid, 200 na lang ang matitira sa kin bago mag-sweldo. 

Anubayan, walang katapusang pagrereklamo sa pera! 

Kelan ba ko yayamannnnnNNNNnnnn???


Posted by coffeecat at 10:37 PM | 1 Nagkape

July 21st, 2009

Hottah-hottah!


   Hephephep! 

 

Nakasabay ko na naman si Juddah Paolo sa elevator kanina!  Bwahahaha!


Ngayon, alam ko nang sa 19th floor sha nakatira! Bwahahaha!  

 

 



Posted by coffeecat at 11:43 PM | 5 Nagkape

July 20th, 2009

Mother, mother


   Nahirapan talaga ako mag-post dito pag di ko sa office ginagawa.  Kasi naman pagdating ko ng bahay, parang tinatamad na ko magkwento ng walang kwentang istorya.  Hehehe!


Ay teka, may major development nga pala!  Umuwi na si madir galing sa US of A nung wednesday, so meron na ulit kaming ilaw ng tahanan.  At hopefully, di nya na ko awayin sa text kasi nasa iisang syudad na lang kami.  Whew!

Nakakatawa nga kasi nung monday pa lang, nag-iinom na ng beer si Daddy sa sobrang excitement (well, umiinom naman sha lagi pero at least may kaakibat na ligaya na this time. hehe).  Tapos nung susunduin na namin sa airport nung wednesday, aba 11pm pa ang dating ng eroplano pero gusto nya 8pm pa lang umalis na ng bahay. 

Halleur, 9:30pm kami dumating ng airport.  Partida, nagsunduan pa kme ng mga kapatid ko sa Tiendesitas at sa The Fort para kumpleto kami. So may 1.5 hours pa kaming pinatay sa kakahintay.  So anong ginawa namin?

Nanuod na lang kami ng Naruto sa laptop.  Hahaha! 


Welcome home, mommy dearest! Wemishu!


Posted by coffeecat at 12:02 AM | 9 Nagkape

July 14th, 2009

Sikreto lang to ha. Bawal ipagkalat!


   Yaaaahooooooeeeeeyyyy! Milagro, may post ulit aketch!  Hahaha!

Hmmm.. wala naman mashadong bago, as useless pa rin ang buhey-buhey.  Sa bahay na ko nagba-blog ngayon ng mga "private" stuff, baka kse makita pa ng IT namin at karnehin ako sa opisina... baka maging Gossip Girl pa ang drama ko.  Ahdontlaykdat!


Namumrublema ako ng konti kasi hanggang August na lang ang apartment ko malapit sa trabaho -- ayaw nang magbayad ng renta ni Amo, so homeless na ang byuti ko.  Oo, ang kumpanya nagbabayad ng bahay ko, tsipipay ako eh.  Ayokong tumira sa Marikina, ang layo sa gimikan at inuman.  Bwahahaha!

Buti na lang si boypren malapit lang rin ang bahay opish, so makiki-boarder muna ako sa kanya.

Ang tanong...................................................


.................... pano ko ilulusot sa mga magulang ko to? 


Pag ipaalala ko ba sa kanila na trenta na ko, di na nila ako sesermunan?



Posted by coffeecat at 11:46 PM | 4 Nagkape
« | »