August 13th, 2009
Dark ages
Hala, nag-brown out dito sa may amin buti na lang nagka-kuryente pagtapos ng isang oras. Feeling dark ages kami kanina ha!
Di pala ako mabubuhay ng walang electric fan, tv at internet!!!
Nakatulala lang ako kanina parang timang sa laptop ko habang hinihintay ko syang maubusan ng baterya. Ang sad noh? Iniisip ko kung pano ako makakatulog mamaya kung walang electric fan at pinag-iisipan ko na kung anong idadahilan ko sa opisina kung di ako makapasok dahil wala akong tulog. Hehehe.
Ang masaklap pa nito, nasa banyo ako ng mawalan ng kuryente!!! Iskeyrd aketch!!!


boink.boink

mahirap talaga pag walang kuryente.. :D
revolverroach
