July 2nd, 2009
Pang-action star
Kagabi na lang ako ulit binangungot, eh di naman ako busog na natulog.
Ang siste, may kasama daw akong na-trap sa isang bahay. Di ko alam kung sino sha, basta di kami makalabas ng bahay na yun kse may mga rabid na aso sa labas, mala-german shepherd (sowshall!).
Tapos yung ungas na may ari, may i-inject daw samin pampamanhid para ma-torture kami bago mamatay. Nagmakaawa ako na pakisara na lang mata ko, pero di daw pwede, dapat daw makikita ko lahaaaaat.
Sa sobrang takot ko inumpog ko daw ulo nya ng malakas sa pader, sabay takbo palabas ng bahay!
Ay, naiwan ko yung kasama ko. Ang selfish, di ba? Hahaha!
Ang morbid ng panaginip ko, pero ang meaning lang daw nun eh na-trap daw ako sa sitwasyon ko sa buhay at kelangan ko ng tulong pero takot akong humingi ng tulong kaya parang wala akong magawa. Tsk.


darspangled

coffeecat

GHV2

coffeecat

gemini

coffeecat
