Not Getting Off the Soapbox

addicted to cute.needs the morning coffee.hates high heels,but will wear them anyway.flipflops,however,are essential.amazed by good photography.needs regular stimulation (of interest -- naughty, naughty), otherwise will get bored.


navigate

[ home ]   [ profile ]   [ gallery ]
  [ favorites ]   [ archives ]
  [ pages ]   [ links ]   [ friends ]
  [ friends of ]

message board

your name:

url:

your message:

content pages

communities

bookmarked

credits

Layout by Up4grabs
Header from Coffeecat
Images hosted by Photobucket
Blog powered by Tabulas

Content © coffeecat

Ads by Project Wonderful! Your ad here, right now: $0

October 13th, 2009

Bulaga! Part XXX

   Ay naligaw ako! Hehehe!  Nagiging monthly na pala ang updates ko, buti na lang alam ko pa password ko.  Kainis.


Di ko naman sinasadya mag-hiatus, dahil NEVER kong ginusto yun.  Wish ko lang pwede akong di matulog para lang matapos ko lahat ng kelangan kong gawin sa isang araw.  Parang kulang ang oras, para sa tulad kong kelangan ng otso oras na nakapikit para lang mag-function ng maayos.

Haiz!

Kung sakali lang naman, baka gusto nyo akong i-add sa inyong mga Plurk accounts?  Yun, panigurado mababasa nyo ang mga reklamo ko in REAL TIME! Hahaha!  Click nyo itetch to add meh!

Pakilala kayo ha, para naman ma-update rin ako kahit di ako maka-check dito lagi.  Ang trabaho talaga, kahit kelan sagabal sa kaligayahan ko. Pweh!

 

Amishu ol!

Posted by coffeecat at 12:37 AM | 4 Nagkape

August 17th, 2009

I love you more today than yesterday


  Sa sobrang overworked ko last week, as in tinamad talaga akong mag-internet/computer buong weekend.  Parang ayokong makakita ng kahit anong website, pati email ko, sa sobrang pagka-banas. 

That's not me! Internet addict ako eh.  Tsk.  Pero meron siguro talagang limitasyon ang tao, lalo na sa tulad kong walang tendency maadik talaga. 


Nagsalit-salit ba naman umabsent mga kasama ko sa trabaho last week.  Tapos sa 'kin bumabagsak mga trabaho nila.  Unfair, di ba???


Tapos DELAYED na naman ang sweldo.  Dapat nung Friday pa di ba?  Pero yung magaling naming Admin, pinalitan at ginawa nyang 17 since mga 3 months ago. 


17 ngayon, pero wala kaming naaaninag na sahod.


Ang saya-saya!

 

 

 

Posted by coffeecat at 11:43 PM | 12 Nagkape

August 13th, 2009

Dark ages


Hala, nag-brown out dito sa may amin buti na lang nagka-kuryente pagtapos ng isang oras.  Feeling dark ages kami kanina ha! 

Di pala ako mabubuhay ng walang electric fan, tv at internet!!!

Nakatulala lang ako kanina parang timang sa laptop ko habang hinihintay ko syang maubusan ng baterya.  Ang sad noh?  Iniisip ko kung pano ako makakatulog mamaya kung walang electric fan at pinag-iisipan ko na kung anong idadahilan ko sa opisina kung di ako makapasok dahil wala akong tulog.  Hehehe.

Ang masaklap pa nito, nasa banyo ako ng mawalan ng kuryente!!!  Iskeyrd aketch!!!



Posted by coffeecat at 12:29 AM | 2 Nagkape

August 9th, 2009

Masaya ka ba sa trabaho?

   Waw, napapabayaan ko na talaga to! 


Hirap ng walang sariling internet.  Iniisip ko nga kung bibili na ko nung Globe/Smart na prepaid broadband -- para in-demand di ba?  Tsk.


Kumusta naman kayo?? 


So hanggang ngayon, wala pa ring bunga ang balak kong pagre-resign.  Natitiis ko pa naman... ulit.  Tapos next week, gusto ko na naman.  It's a vicious cycle. 


Pero actually, napapaligiran kasi ako ng mga taong masaya sa mga trabaho at "non-trabaho" nila.  Yung ibig kong sabihin ng non-trabaho eh di actually employed pero pinu-pursue yung talagang gusto nilang gawin at ginagawa ang paraan para pagkakitaan yun.  Nakakainggit actually.  Kaya siguro ako nape-pressure iwan ang trabaho kong bulok.  Bulok kasi holiday nung Wednesday at di ako makapanuod ng "funeral cortege" ni Cory kasi may pasok ako.  Di kasi kami sumusunod sa Philippine holidays.  Medyo masama loob ko dun.


Pero gaano karami nga ba ang masaya talaga sa trabaho nila???


Posted by coffeecat at 11:42 PM | 19 Nagkape

August 4th, 2009

3AM

    actually, 2:20am pa lang. pero ni-round off ko na kasi... wala lang! hahaha!

Marikina ako ngayon, tapos pag-upo na pag-upo ko di na ko nilubayan ni mommy -- parang walang nakausap buong linggo.  Kakatapos nga lang namin aktwali.  Maryosep.  6months worth ng chika ata yun. nahilo aketch!

Pag andito ako parang di ako makatulog ng maaga kasi parang andami kong maisip gawin: manuod ng tv, chumika, mag-net, mag-edit ng pictures, etc etc.


Badtrip nga lang kelangan maaga rin ako sa opis kinabukasan.  Pfttt. Bakit pa kasi kelangan magtrabaho eh. Kainis.


Posted by coffeecat at 02:25 AM | 4 Nagkape
« Newer | »